OFWs BIKTIMA NG LINDOL, AAYUDAHAN NG OWWA

(NI ROSE PULGAR)

MAKATATANGGAP ng tulong pinansyal ang lahat ng mga overseas Filipino workers (OFW’s) na naapektuhan ng lindol mula sa pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon sa OWWA, ang ibibigay na tulong pinansyal ay bunsod ng napagkasuduan ng board para mapabilis at  maipang-ayuda sa mga kababayang OFWs na napinsala ang mga ari-arian dulot ng lindol.

Ang financial assistance ng OWWA ay makukuha ng mga aktibong miyembro nito.

Panawagan ng ahensya  na agad makipag- ugnayan  ang OWWA members  na OFW sa pinakamalapit na tanggapan o sangay ng OWWA.

Sinabi ng OWWA, mayroon silang itinalagang mga empleyado na mag-aasikaso sa mga OFW na magbibigay ng tulong pinansyal sa nabiktima ng lindol.

 

324

Related posts

Leave a Comment