OK NA SA KAMARA; BUNTIS IMOMONITOR NG HEALTH WORKERS 

buntis12

(NI BERNARD TAGUINOD)

DADALAWIN na ng mga health workers ang mga buntis sa kanilang mga nasasakupang lugar lalo na ang mga mahihirap upang maalagaan ng gobyerno ang mga ito lalo na ang kanilang ipinagbubuntis.

Ito ay matapos aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 9186 o  “Expanded Maternal and Infant Care Act” na mag-eestablisa ng  Maternal and Infant Health Home Visitation Program.

Sa ilalim ng nasabing panukala, kailang i-monitor ng mga health workers sa mga siyudad, munisipalidad at lalo na sa mga barangay health workers ang mga buntis sa kanilang nasasakupan.

Kailangang dalaw-dalawin ng mga ito ang mga buntis sa kanilang mga lugar lalo na ang mga mahihirap na walang kakayahang gumastos para mapangalagaan ang kanilang sarili at sanggol sa kanilang sinapununan.

Ginawa ni Cagayan de Oro City Rep. Maximo Rodriguez ang nasabing panukala  dahil marami umanong mahihirap ang hindi naaalagaan ang kanilang pagbubuntis dahil sa kahirapan.

Bukod sa tuturuan ng mga health workers ang mga mahihirap na buntis kung ano ang dapat nilang gawin upang mapangalaan ang kanilang sarili at ng kanilang sanggol ay bibigyan ang mga ito ng tulong na kanilang kailangan.

Kabilang na dito ang physical examination;  nutrition counseling;  general family counseling kasama na ang  child and family development.

 

244

Related posts

Leave a Comment