MUKHANG TATABO SA TAKILYA ANG HELLO, LOVE, GOODBYE

KAT123

olea(NI JERRY OLEA)

NABULABOG ang fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa sunud-sunod na tweets ni Roxy Liquigan (head ng ABS-CBN Star Music) matapos nitong mapanood ang rough cut ng KathDen movie na Hello, Love, Goodbye.

Tweet ng kaibigang Roxy, “Congratulations Kathryn and Alden. One of the best star cinema movies I have seen. Ang script. Grabe. So proud of Kathryn and Alden! Ang galing-galing mo talaga, Kathryn Bernardo. As in, Alden, para sa iyo talaga ang role. Napakahusay!

“Hindi ka talaga titigil sa pag-iyak… sakit sa lalamunan. Huhuhu.”

For sure, darami ang block screenings ng Hello, Love, Goodbye.

Malamang sa alamang na blockbuster!

   ###

Llamado sa takilya ang fantasy-zombie movie nina Vice Ganda at Anne Curtis sakaling makapasok ito sa MMFF 2019.

Ang top grosser sa nakaraang MMFF ay ang Fantastika ni Vice, at pangatlo ang Aurora ni Anne.

Ang pagsasanib-puwersa nila, mas mahirap kabugin.

Aspiring entry rin sa 45th MMFF ang horror comedy nina Coco Martin, Jennylyn Mercado at Ai-Ai delas Alas.

Ang #2 na pinakamalakas sa takilya noong nakaraang filmfest ay Jack Em Popoy: Da Puliscredibles na pinagbidahan ni Coco, kasama sina Vic Sotto at Maine Mendoza.

#2 rin sa MMFF 2017 si Coco with his remake of Panday, kung saan #1 ang Gandarrapido ni Vice.

Noong nakaraang MMFF ay humakot ng awards ang Rainbow’s Sunset, na prinodyus ng Heaven’s Best ni Harlene Bautista, at dinirek ni Joel Lamangan mula sa panulat ni Eric Ramos.

Kaabang-abang kung makakapasok muli sa December filmfest ang kombinasyong Harlene-Joel-Eric, this time with Isa Pang Bahaghari starring Nora Aunor, Christopher de Leon and Tirso Cruz III.

Syempre pa, excited din tayo sa Magicland nina Direk Peque Gallaga at Direk Lore Reyes.

Iyong Magic Temple na dinirek nila ay top grosser at humakot ng awards sa MMFF 1996.

###

Hunyo 14 last year nang ilunsad ng Viva Films at Epik Studios ang pagsasapelikula ng Pedro Penduko: The Legend Begins na pagbibidahan ni James Reid.

Bago mag-anibersaryo ang nasabing launch, ini-announce ng Viva nitong Hunyo 1, Sabado na nag-back out na si James sa nasabing project dahil sa spinal injuries.

Syempre, nanghinayang ang naatasang magdirek na si Treb Monteras (nagdirek ng Respeto) dahil binusisi nila ang script para bumagay kay James ang story.

Ang gagawin instead ni James ay ang Pinoy remake ng 2011 South Korean film na Spellbound, with Nadine Lustre as his leading lady.

Sabi ni Direk Treb, itutuloy pa rin ang pagsasapelikula ng millennial Pedro Penduko.

As of now eh wala pang definite replacement. Sa kuwadra ng Viva, andiyan sina Xian Lim, Marco Gumabao at Carlo Aquino.

Pwede ring magpa-audition ang Viva para sa bagong Pedro Penduko, gaya ng ginawa ng Star Cinema na naghahanap ng bagong Darna.

Di ba, nasulat ko rito recently na parang sinusundan ni Pedro P ang mga yapak ni Darna?

 

140

Related posts

Leave a Comment