(Ni BERNARD TAGUINOD)
Inamin ng oposisyon na nababahala ito sa istilo ng ‘pagpapatahimik’ ng administrasyong Duterte sa mga kritiko nito sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kaso.
Inilabas ng mga kongresistang kanilang sa Liberal Party (LP) ang nararamdaman nito matapos arestuhin, ikulong at kasuhan ng human trafficking sina dating Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo, ACT party-list Rep. France Castro at 16 iba pa sa Talaingod, Davao del Norte matapos ang kontrobersiyal na pagsaklolo nila sa mga batang nasaraduhan ng paaralan.
“Ang pag-arestong ito, kasama ang patuloy na pagkulong kay Sen. Leila De Lima, ang pagbawi ng amnestiya kay Sen. Antonio Trillanes, at ang pag-alis kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto, ay nagpapakita ng isang nakakabahalang pagsasanay ng pamahalaang ito: na gawing sandata ang batas upang patahimikin at i-sideline ang pinakamaiingay na kritiko nito,” ayon sa LP sa pamumuno ni Dinagat Rep. Arlene “Kaka” Bag-ao.
Idiniin ng LP na imbes ipatupad ang mga batas nang walang takot at tama ay ginagamit ang mga ito para patahimikin ang itinuturing na kalaban ng administrasyon sa pamamagitan ng pagkaso ng mga gawa-gawang krimen.
“Nakita natin sa nakalipas na dalawa’t kalahating taon ang pagguho ng tiwala ng ating mga kababayan sa patas na sistemang legal na mas masahol pa ito sa dinanas natin noong batas-militar,” ayon kay Bag-ao.
Naniniwala ang LP na kung magpapatuloy ang ganitong taktika ng gobyernong Duterte ay tuluyang guguho ang tiwala ng mamamayan sa batas.
Kaya nararapat na itigil daw ng pamahalaan ang pagpapatahimik ng administrasyon sa oposisyon na sa tingin ng grupo ay pag-abuso sa kapangyarihan.
Samantala, pansamantalang nakalaya ang grupo ni Ocampo matapos payagan ng korte na magpiyansa sila nitong Sabado ng gabi.
Tahasang kinondena ng grupo ni Ocampo ang niya’y gawa-gawang kasong human traggicking na isinampa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa kanila.
“The absurdity of the complaints manifests the Duterte government, the PNP, the AFP and their para-military minions’ desperate move to curtail the rights of Ka Satur and Rep. Castro as well as other 16 individuals. Clearly, the charges are false in the beginning. Definitely it will backfire to all those behind the fabricated charges against them,” saad ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao.
“Make no mistake about it: while we welcome this victory, those responsible for these despicable acts cannot just rest yet because they will be surely made accountable,” ayon naman kay Bayan muna party-list Rep. Carlos Zarate.
452