OVERTIME PAY AALISAN NG BUWIS

Senate President Pro-Tempore Ralph Recto

HINDI na kakaltasan ng buwis ang overtime pay sakaling maipasa ang panukala ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto sa  lahat ng empleyado sa gobyerno at pribadong sector.

Sa pahayag, sinabi ni Recto na unang inihain ang panukala noong 15th Congress na may layunin na amyendahan ang tax code upang maisama ang ‘overtime pay’ sa mga tax-exempt item.

Kahit inamin ni Recto na malaking kita ang mawawala sa gobyerno, pero kanyang ikinatwiran na kapag maraming pera ang manggagawa, mas sisigla ang consumer spending na kailangan ng ekonomiya.

“This, in turn, would trigger demand for more goods and services thereby stimulate activities in the industrial and service sectors and eventually generate more taxes,” paliwanag ng senador.

Inaasahang mabibiyayaan ng Senate Bill No. 601 ni Recto ang tinatayang 26.7 milyong manggagawa sa pribado at pampublikong sector.

Aniya, layunin ng panukala na alisin ang overtime pay sa mga pagtutuos ng taxable income kaya inaamyendahan nito ang Section 32 (B) (7) ng National Internal Revenue Code of 1997.

Ituturing ng panukala ang overtime pay bilang “compensation due to hours worked in excess of the required normal working hours.”

Alinsunod sa itinakda ng Labor Code, aabot lamang sa walong oras sa loob ng anim na magkakasunod na araw kada linggo ang trabaho ng bawat manggagawa.

Kapag nagtrabaho ang isang empleyado na lampas sa walong oras, anim na araw kada linggo, kailangan magbayad ang employer ng overtime pay. (Estong Reyes)

161

Related posts

Leave a Comment