OWWA, CCP BINIGYAN NG ‘NOTICE OF VIOLATION’ NG LLDA

oww100

(NI DAVE MEDINA)

SARILING ahensya ng pamahalaan ang dalawa sa pinakahuling  nilabasan ng notice of violation sa pagdudumi sa Manila Bay ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) kamakailan.

Magkasama sa listahan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) headquarters building malapit sa kanto ng  F. B. Harrison Street at Gil Puyat Avenue at ang Main-Annex Building ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na parehong nasasakupan ng Pasay City ilang daang metro ang layo sa bukana ng Manila Bay.

Sa impormasyong nakuha mula sa LLDA, 10 establisimyento at naunang dalawa ang binigyan ng notice of violation sa pagdudumi sa Manila Bay sa kabila ng patuloy at lalong pinalakas na pagsisikap sa rehabilitasyon sa Manila Bay, ang lugar ng sikat na Manila Sunset.

Ang OWWA at CCP ay binigyan lamang ng 15 araw ng LLDA  upang maipaliwanag kung mayroon at paano nila pinatatakbo ang kanilang  wastewater at solid waste management system.

Sa mga naunang inspeksyon at pagsusuri ng LLDA, lumilitaw na mayroong 60 establisimyento sa paikot o tumutuloy sa Manila Bay na nagpapalabas ng kanilang wastewater nang hindi dumaan sa treatment.

203

Related posts

Leave a Comment