P1.6B DAGDAG BUDGET SA DEPUTY SPEAKERS, FAKE NEWS – CAYETANO

(NI ABBY MENDOZA)

NILINAW ni  House Speaker Alan Peter Cayetano na walang katotohanan na ang hinihinging dagdag na P1.6 bilyon ng House leadership ay para sa budget ng may 22 deputy speakers.

Sa pagdalo ni Cayetano sa kauna-unahang General Assembly ng Congresssional Spouses Foundation Inc. (CSFI) kung saan inilunsad ng foundation ang  Pinto sa Kongreso, isang art exhibit na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga programa ng CSFI  ay sinabi nito na ‘fake news’ ang lumabas na ulat dahil hindi para sa deputy speakers ang hinihinging dagdag na pondo kundi para sa ibang adhikain.

Aniya, sa 2020 budget ay P14 bilyon ang pondo ng Kamara at ang hirit pa na P1.6 bilyon ay gugugulin para  maging pro-people ang pasilidad ng Kamara , mabigyan ng budget ang Congressional Policy and Budget Research Department at pondo para sa mga idinagdag na komite gaya ng pagdaragdag sa Senior Vice Chairmen ng Committee on Appropriations at Ways and Means.

Una nang ipinahayag ni House Committee on Accounts Chairman Abraham  Tolentino na kulang ang budget ng Kamara sa susunod na taon dahil na rin sa hindi inaasahang dagdag na gastusin dala ng pagtatalaga ng maraming deputy speakers na dati ay 14 lamang subalit sa 18th Congress ay naging 22.

“The chamber was not prepared that it will have not only additional deputy speakers, but as well more committee vice chairs especially in the Appropriations and Ways and Means panels. Hindi po tayo ang nag-prepare ng budget for 2020. Binigay na po sa atin to, printed National Expenditure Program. Hindi naman na-anticipate all those increases in the different employees and offices,” ani Tolentino.

 

169

Related posts

Leave a Comment