(NI BERNARD TAGUINOD)
HALOS kalahati sa 2019 national budget ang naipadalamg suweldo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas noong nakaraang taon makaraang umabot sa ito P1.7 Trillion.
Ngayong 2019 ay P3.7 Trilion ang national budget na naghihintay pa ng pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Leyte Rep. Henry Ong,chairman ng House committee on banks and financial intermediaries, umaabot sa $32.2 Billion ang remittances ng mga OFWs sa kanilang mga naiwang pamilya sa Pilipinas noong 2018 o katumbas ng P1,706,600,000,000 sa palitang P52 sa bawat isang US dollar.
Mas ito sa $31.29 Billion na remittances ng mga OFWs noong 2017 matapos umabot sa $3.2 Billion ang ipinada ng mga ito sa kanilang mga kaanak noong Disyembre na pinakamalaking money transfer sa kasaysayan.
OFW SA CANADA, US REMITRANCES TUMAAS
Kapwa naman tumaas ang remittances ng mga Filipino na nagtatrabaho sa Canada at United States (US) na isa sa mga nakikitang dahilan ni Ong kung bakit tumaas ang ipinadalang pera ng mga OFWs noong 2018 kumpara noong 2017.
Nabatid na umabot sa 51.5% ang itinaas ng remittances mula sa Canada dahil umaabot $977 million noong 2018 kumpara $645 million na naipada ng mga OFWS na nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Umaabot naman aniya sa $9.986 billion ang naipadalang pera ng mga Filipino-Americans noong 2018 mas mas mataas ng $564 million sa $9.422 billion na remitttances noong 2017.
Dahil dito, nabawi umano ang 15.3% na nawala sa remiittances ng mga OFWs na nakabase sa Gitnang Silangan dahil kumonti ang bilang ng mga Filipino na nagtatrabaho sa Saudi Arabia dahil sa Saudization subalit hindi nagbigay ng detalye si Ong ukol dito.
“Parts of Asia, Africa, South America, and Eastern Europe will be the new promising countries for OFWs, as can be gleaned from the country-by-country breakdown of the cash remittances. In most of these foreign lands, OFW professionals and technicians will be in strong rising demand,” kaya inaasahan na lalaki pa umano ang remiitrances sa ngayong taon.
275