(NI ABBY MENDOZA)
SA loob ng susunod na tatlong taon ay magpapatupad ng kabuuang 15% salary increase ang Duterte administration sa mga government employees kabilang dito ang mga nurses at teachers at sa kabuuan ay P110 bilyon ang gugugulin para dito.
Ayon kay House Committee on Ways and Means Chair Joey Salceda, ang salary hike ay nakapaloob sa Salary Standardization Law 5(SSL5) at hindi na kailangan ng bagong pagkukunan ng buwis para ipatupad ito.
Dahil nakapaloob na sa 2020 budget ang unang tranche ng wage increase ay kailangan na lamang malagdaan ang Joint Resolution ng Senado at Kamara at maaari na itong ipatupad.
Hindi naman kasama sa wage hike ang mga uniformed personnel.
Sa unang taon ay P32 billion sa wage increase at P4 billion para sa miscellaneous benefits ang popondohan ng gobyerno na kasama na sa 2020 national budget, P P36.630 billion para sa second tranche at P36.753 billion para sa third tranche.
“It will favor Salary Grade 1 to 17 with higher increases while those in Salary Grade 18 to 33 including the President and Congressmen will receive lower increases,” paliwanag ni Salceda.
Una nang sinabi ni Budget and Managent Secretary Wendel Avisado na nakatakda silang maghain ng SSL bill sa Kamara ngayong buwan.
426