DEP’T OF OFW  OK NA SA  DISYEMBRE

cayetano12

(NI BERNARD TAGUINOD)

TINIYAK ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na maipasa sa Disyembre ang Department of Overseas Filipino Workers (OFWs) na sinimulan nang dinggin sa committee level nitong Martes.

Sa ambush interview kay House Speaker Allan Peter Cayetano, umaasa ito mapagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing panukala bago ang Christmas break ng Kongreso sa Disyembre.

Ayon kay Cayetano, kakausapin umano ng mga ito ang Senado na magsagawa ng kahit dalawang joint hearing sa mga bansa kung saan maraming nakabaseng OFWs subalit hindi nito sinabi kung saan bansa, ngayong Oktubre.

“Matatapos ang (trabaho) ng Technical Working Group by the end of October para kung kaya on the second week of November to the end of November, nasa floor na for second reading and plenary debate.

“Kung masusunod ito, mahahabol ng Disyembre (ang third and final reading,” dagdag pa ni Cayetano matapos simulan ng House committee on labor ang pagdinig sa nasabing panukala na isa sa mga priority bills ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa nasabing panukala, pag-iisahin ang lahat ng ahensya na may kinalaman sa OFWs tulad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ibang trabaho ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon naman kay House deputy speaker Raneo Abu, inaasahan na mababawasan kundi man tuluyang mawala ang pang-aabuso sa mga OFWs sa pamamagitan ng ahensyang itatag na ang tanging tungkulin ay tutukan ang interes ng mga tinaguriang bagong bayani.

“The proposed law aimed at lessening illegal recruitment and  abuse against overseas Filipino workers (OFWs) while hastening the delivery of services to them. Guaranteed protection for their right and welfare is our own little way of returning the huge favor they have been extending to sustain a positive economy,” ayon  kay Abu sa hiwalay na panayam.

 

149

Related posts

Leave a Comment