P23.8M GRANTS NG U.S. PARA SA DICT PROJECT

National Broadband Network Project.

IPINAGKALOOB  ng  U.S. Embassy sa Filipinas ang P23.8 million grant sa  Department of Information and Communications Technology (DICT) para suportahan ang implementasyon ng National Broadband Network Project.

Mismong sina U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim at DICT Acting Secretary Eliseo M. Rio, Jr. ang lumagda sa nasabing grant na ginanap sa punong tanggapan ng DICT nitong nakalipas na araw .

Ang nasabing financial aid na ipinagkalob sa pamamagitan ng U.S. Trade and Development Agency (USTDA), ay gugugulin sa  technical assistance para matulungan ang  DICT na maisulong ang mga plano nitong mapagkalooban ng broadband access ang mga  underserved markets sa buong Pilipinas.

Ang mga technical  advisors na hihirangin ng DICT mula sa mga qualified U.S. firms, ay aayudahan ang nasabing ahensiya ng komunikasyon sa pagsasaayos ng  technical and operational designs, assessing future market demand, at paghahanda ng mga  documentation kinakailangan para sa financing and implementation ng  network.

“The U.S. is a strong friend, partner, and ally of the Philippines, and I am proud to expand our partnership in technology and communications,” ani  Ambassador Kim.

Sinabi pa ng US envoy na: “This grant supports the Philippine government’s goal of improving connectivity across the country and transitioning towards a digital economy.”

Ayon kay USTDA Acting Director Thomas R. Hardy, ang USTDA ay ikinokonekta ang mga  U.S. businesses sa mga  export opportunities sa pamamagitan ng pagpopondo  sa mga project preparation at partnership building activities na lilinang para sa sustainable infrastructure at pagsusulong ng  economic growth sa mga kaalayadong bansa. JESSE KABEL

97

Related posts

Leave a Comment