P299-B FOREIGN INVESTMENT IPAPASOK NG PSA

HINDI bababa sa P299 Billion bagong puhunan ang ipapasok ng foreign investors sa pamamagitan ng Republic Act (RA) 11659 o New Public Service Act (PSA).

Ayon ito kay House committee on economic affairs chairperson Rep. Sharon Garin dahil ang nasabing batas ay magiging daan para magkaroon ng 100% ownership ang mga dayuhan sa mga public service industry sa bansa.

“Based on estimates, the passage of the law will increase the Philippines FDI by around P299 billion over the next five years,” ayon sa mambabatas na siyang pangunahing may akda sa nasabing batas.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 21, 2022 kaya ganap na itong batas at umaasa ang mambabatas na agad magagawa ang Implementing Rules and Regulation (IRR) para maipatupad upang sa loob ng 5 taon ay mararamdaman na umano ang positibong epekto nito sa bansa.

Sa sandaling maipasok na ng mga dayuhang negosyante ang kanilang puhunan sa aviation industry, power distribution, transportasyon, water system, petroleum, seaport at iba pa, ay tiyak aniyang lolobo rin sa 0.47% ang Growth Domestic Product (GDP).

“When you have a good investment climate, you build more businesses that will generate more jobs and will introduce innovation to industries that need to compete in the international market,” ayon pa sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)

83

Related posts

Leave a Comment