Pulong kinumpirma ni Sen. Go TRABAHO NG PANGULO IBINAHAGI NI PDU30 KAY BBM

PARA sa Malakanyang, isang “cordial and productive meeting” ang nangyari sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presidential aspirant Bongbong Marcos.

Sa katunayan, gaya ng sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go, ay ibinahagi pa ni Pangulong Duterte kay Marcos ang kanyang mga naging karanasan bilang outgoing president ng bansa at pinayuhan pa ni Pangulong Duterte si Marcos habang nag-uusap ang mga ito.

Bukod pa sa tinalakay rin ni Pangulong Duterte kay Marcos ang major achievements ng pamahalaan.

Pinayuhan din ng Chief Executive si Marcos.

“In connection with this, the President expressed optimism that his administration’s notable programs and projects will be continued by the next administration,” ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar.

Nauna rito, kinumpirma ni Go ang nangyaring miting o pulong sa pagitan nina Pangulong Duterte at Marcos.

Sa isang panayam matapos na bisitahin ni Go ang Malasakit Center at turnover ceremony ng financial assistance mula sa Office of the President sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City ay sinabi nito na nagkaroon ng produktibong meeting sina Pangulong Duterte at Marcos.

“Maganda naman po ang resulta ng meeting. Medyo matagal-tagal nga ‘yon at talagang ganado ‘yung Pangulo na magkuwento. I think about 80% ng discussion ay more on si Presidente po ang nagsasalita,” ang pagbabahagi ni Go.

“And he shared his experience po… as president sa mga nakaraan. Ito, nagbigay siya ng mga kaunting payo, mga ginawa niya para sa ating bayan ay sana po’y ipagpatuloy ng kung sino man po ‘yong magiging susunod na Pangulo,” dagdag na pahayag nito.

Binanggit din ni Go na ang nasabing meeting ay isa sa mga dahilan para iendorso ng PDP-Laban ang kandidatura ni Marcos.

Nagkaroon na rin naman kasi ng ilang beses na pag-uusap at konsultasyon sa bagay na ito.

“Malamang ‘yon po ang naging isa sa naging dahilan, pero dumaan po ‘yon sa konsultasyon at proseso,” ayon kay Go.

“It’s a party decision po. So, ibig sabihin dumaan sa proseso, pinag-usapan, nagkonsultasyon sa iba’t ibang miyembro ng PDP at majority ang nakapag-decide kung sino po ‘yung ina-adopt at susuportahan. So, it’s a party decision po,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, umaasa naman ang senador ng pagkakaisa sa loob ng partido pagdating sa pag-endorso ng mga kandidato para sa nalalapit na eleksyon sa bansa.

“Being a member po ng PDP ay sana iisa po ang magiging direksyon ng lahat ng miyembro ng partido,” ayon kay Go. (CHRISTIAN DALE)

126

Related posts

Leave a Comment