(NI ROSE PULGAR)
IPINASASAULI ni Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang P500,000 donasyon ni dating Foreign Affairs secretary Albert Del Rosario para sa 22 mangingisdang Pilipino na binangga ng isang Chinese vessel sa Recto bank.
Sa kanyang twitter account, sinabi ni Locsin na lubos siyang nagpapasalamat sa ibinigay na donasyon ng dating kalihim Del Rosario ngunit kailangan nilang isauli ang P500,000 dahil wala naman karapatan ang ahensya na gamitin ang nasabing donasyon.
Sinabi ni Locsin na kung tatanggapin nila ang donasyon ay mapipilitan silang i-turn over ito sa National Treasury.
Ngunit aniya hindi naman ipapasa ang pera sa ibang department dahil maituturing itong malversation.
Nitong Hunyo 19, ipinadala ni Del Rosario sa DFA ang kaniyang donasyon para sa mga mangingisda.
“I have to return the P500,000 check donation or I shall be compelled to turn it over to treasury. DFA cannot dispense donations. I certainly won’t turn it over to another department; that’s malversation. So with florid expressions of gratitude I had it returned to del Rosario” pahayag pa ni Locsin.
121