(NI DANG SAMSON-GARCIA)
NANGAKO si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na tulad ng kanilang ginawa sa mga nakalipas na taon, haharangin nito ang anumang pork barrel sa 2020 national budget.
Sinabi ni Lacson na sa impormasyon na nakarating sa kanilang tanggapan, ang bawat deputy speaker ay tatanggap ng karagdagang alokasyon na P1.5 bilyon bawat isa.
Bukod pa naman ito sa P700 milyon na alokasyon na ibibigay sa bawat kongresista na kung susumahin aniya ay aabot sa P54 bilyon na ‘pork’ kung matutuloy.
“The initial report we received, each deputy speaker, 22 of them, will be receiving an additional allocation of P1.5B. Easily that’s P33B,” saad ni Lacson.
“Each congressman will be given an allocation of P700M. I hope that does not push through because that was a report transmitted to my office by some congressmen themselves. Iyan pinag-usapan nila, para walang gulo, tig-700M. When we are talking of P700M per congressman, times 300, that’s P21B. Plus P33B per deputy speaker kung matutuloy na P54B in pork,” diin pa nito.
Aminado naman si Lacson na hindi pa nito nakikita ang panukalang budget mula sa Kamara dahil hindi pa ito naisusumite sa kanila.
Gayunman, umaasa siya na hindi matutuloy ang plano ng mga kongresista dahil tiyak anyang lolobo naman sa budget kung saan ito kukunin.
“I hope they don’t push through with that initial plan. Or else makikita natin kung saan lolobo,” diin ni Lacson.
Kinontra naman ng senador ang pagmamalaki ng Kamara na natapos nila ng maaga ang panukalang budget dahil para sa kanya hindi pa tapos ang mga kongresista sa kanilang trabaho dahil wala pang amendments sa panukala.
“Hindi pa sila tapos. They are still in the period of amendments. Na-pass lang nila ang plenary debates, meaning period of interpellation. So it is wrong to conclude they passed the HOR version of the budget in record time because they have not done that yet. They will still introduce their committee amendments and even their individual amendments. Ito ang mas tedious,” diin ng senador.
139