(NI NOEL ABUEL)
IBINULGAR ni Senador Joel Villanueva ang nangyayaring lagayan sa Bureau of Immigration (BI) sa pagkuha ng special working permit (SWPs) sa mga dayuhang nais na magtrabaho sa bansa partikular ang mga Chinese nationals.
Ayon kay Villanueva, napatunayan nito na kapalit ng P5,000 ay mapapabilis ang pagpapalabas ng SWP sa isang dayuhan subalit wala itong kapalit na resibo mula sa BI.
Aniya, nang tumawag ang opisina nito sa BI satellite office sa SM Aura at nagtanong kung papaanong makakakuha ng special working permit ay agad na makukuha sa loob lamang ng isang linggo.
“Sa SM Aura tumawag kami and we asked the procedures paano makakuha ng special working permits. Ang sabi mag-apply lang and then you will get it mga ilang araw. Sabi, siguro the most would be a week,” ayon pa kay Villanueva.
Idinagdag pa ng senador nang malaman nito na maaari namang makuha sa loob ng isang araw ang isang SWP kapalit ng P5,000.
“Personal experience namin ito kasi andun kaming lahat sa office. And then we asked them how many SWPs have you issued. Ang sabi 180,000 plus for this year alone,” giit pa ni Villanueva.
174