KAPALIT NI BATOCABE NANUMPA NA

ako

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANUMPA na kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kahapon ang bagong kinatawan ng Ako Bicol party-list group na kapalit ng pinaslang na si Congressman Rodel Batocabe.

Kasama ang kanyang mga kaanak at kasama sa partido, nanumpa na kay Arroyo sa plenaryo ng Kamara ang 4th nonimee ng Ako Bicol party-list group na si Ronald S. Ang.

Magugunita na noong Disyembre 22, 2018 ay pinatay si Batocabe at police escort nito na si SPO1 Orlando Diaz  sa Brgy. Burgos, Daraga Albay habang papasakay ang mga ito sa kanilang sasakyan mula sa gift-giving activities.

Panguning suspek sa pagpatay kina Batocabe at Diaz ang mayor ng Daraga Albay na si Carlwyn Baldo matapos ikanta ng mga sumukong suspek na mga dating tauhan umano ng alkalde.

Ang Ako Bicol party-list ay nanalo ng tatlong upuan sa Kamara noong 2016 party-list election.

Bukod kay Batocabe, kinatawan din ng partido sa Kamara sina Reps. Christopher Co at Alfredo Garbin Jr.

Base sa sistema, kailangang mapalitan ang nawalang kinatawan ng isang party-list group kaya iniluklok ng Ako Bicol party-list ang kanilang 4th nominee na si Ang na magsisilbi hanggang Hulyo 2019.

6

Related posts

Leave a Comment