P8.9-B BAGONG GUSALI NG SENADO ITATAYO SA TAGUIG

bagong senado1

(NI NOEL ABUEL/ PHOTO BY DANNY BACOLOD)

PINASINAYAAN na ang bagong gusali na gagamitin bilang tahanan ng mga senador sa taong 2021.

Pinangunahan ni Senate President Vicente Sotto III kasama sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Miguel Zubiri, at Minority Leader Franklin Drilon ang pagpapasinaya sa bagong Senate building sa Naval Village sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Sinasabing ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P8.9 billion at inaasahang matatapos sa Hulyo 2021.

Kasama rin sa mga senador na sumaksi sa seremonya sina Panfilo Lacson, Gringo Honasan, Loren Legarda, Joel Villanueva, Nancy Binay, Sonny Angara, at JV Ejercito.

Ayon kay Lacson, target ng Senado na simulan ang sesyon sa 2021 o sa araw kung saan isasagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang huling State of the Nation Address (SONA).

“Ang date ng transfer namin, to start holding our sessions July of 2021. In other words, ang third regular session of the 18th Congress dito na mag-open. Of course 3 towers mauuna, the last tower, the fourth tower, naroon ang structure,” sabi ni Lacson.

Sinabi pa nito na ang lupa ang nabili sa halagang P90,000 kada metro kuwadrado at huhulugan ito ng 15-taon kung saan inaasahan ang return on investment sa 15-taon.

Sa kasalukuyan, umuupa ang Senado sa GSIS ng P171-M kada taon na nasa 44,000 square meters.

Habang sa bagong gusali ay nasa 131,500 square meters, at mayroong 11 palapag, tatlong antas ng parking na maaaring makapag-accommodate ng 1,200 sasakyan at hindi na nangangahulugan pang babayaran dahil sa sarili na ng Senado ang gusali.

 

164

Related posts

Leave a Comment