PACQUIAO TABLADO KAY DIGONG

PATULOY na nagtitiwala si Pangulong Rodrigo Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III kaya’t malabong pagbigyan ang panawagan ni Senador Manny Pacquiao na palitan ang kalihim.

“Well, all members of the Cabinet serve at the pleasure of the President po. Sa ngayon po, patuloy pa rin ang pagtitiwala ni Presidente kay Secretary Duque,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Hinikayat kasi ni Senador Pacquiao si Pangulong Duterte na palitan na si Sec. Duque para magkaroon ng comparison sa ibang mamumuno sa Department of Health (DOH) at para aniya maibsan ang hinaing ng taumbayan.

Matatandaang si Duque ang sinisisi sa paglaglag ng usapin ukol sa 10 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na makukuha na sana ng Pilipinas sa susunod na buwan.

Kinumpirma ito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. nitong Lunes.

“Ang sabi lang niya eh sagutin ang mga paratang po ni Secretary Locsin,” ani Sec. Roque.

Nauna nang iginiit ni Sec. Duque na walang ipinangakong suplay ng milyon-milyong bakuna ang Pfizer sa kanilang paunang negosasyon. (CHRISTIAN DALE)

126

Related posts

Leave a Comment