PAGHIHIGPIT SA BENTAHAN NG EXPLOSIVES INIUTOS NI PDU30

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahigpit na i-monitor ang bentahan ng pampasabog para kontrahin ang mga pag-atake ng teroristang New People’s Army (NPA).

Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na ang NPA, armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP), ay kumukuha ng mga materyales ng pampasabog nito mula sa mining sites.

“Karamihan diyan galing sa mina so that may double check tayo ngayon. It must be cleared by the police and supervised strictly,” ayon sa pangulo.

Go to the commanding officer of the military there and let him know that you have bought these explosives para ‘pag ginamit na ninyo ‘yan, mabantayan,” dagdag na pahayag nito.

Inakusahan naman ni Pangulong Duterte ang mga komunista ng paglabag sa Geneva Convention dahil sa paggamit ng improvised explosive devices laban sa pwersa ng gobyerno. (CHRISTIAN DALE)

115

Related posts

Leave a Comment