PAGSUSULONG NG DEATH PENALTY BILL, NABUHAY

DAHIL sa nangyaring pamamaril ng isang pulis sa kanyang kapitbahay na mag-ina sa lalawigan ng Tarlac, nabuhay ang usapin ng pagbabalik ng parusang kamatayan sa mga nasasangkot sa heinous crime.

Ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, death penalty ang dapat na ipataw kay Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca dahil sa brutal nitong pagpatay sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio.

“Yes I saw it already. That rogue cop deserves death penalty,” saad ni dela Rosa.

Gayunman, aminado ang senador na hindi niya matantya kung may tsansa nang maipasa sa Senado ang kanilang panukala na maibalik ang death penalty.

“I don’t know. I cannot read their minds,” saad ni dela Rosa at idinagdag ang “Sino pa ang gustong pumatay ng tao kung alam nyang papatayin din sya via death penalty?”

“Ayaw nila ng death penalty eh! Yung ginawa ng pulis na cold blooded killing is double murder and a heneious crime na dapat ang parusa ay death penalty pero hanggang ngayon hirap na hirap pa ring umusad yung in-author kung death penalty bill,” diin pa nito.

Sinabi naman ni Senador Joel Villanueva na handa siyang makinig sa diskusyon hinggil sa panukala.

“Nothing has changed, again am open po to discussion and debates but you can only convince me if we have a working and efficient justice system,” diin ni Villanueva.

Ipinaliwanag naman ni Senador Manny Pacquiao na napapanahon na ang pagsusulong ng parusang kamatayan.

“Ang brutal at kahindik-hindik na pagpaslang ng isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa mag-inang Gregorio sa lalawigan ng Tarlac ay isang patunay na talagang napapanahon na upang ipasa ng Kongreso ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimen,” diin ni Pacman.

“Napaka-casual at tila walang bahid ng anomang pagdadalawang-isip ang nakita nating pamamaraan nitong si Nuezca nang kanyang paputukan ang mag-ina na wala namang kahit anomang sandata. Naisip niya siguro na mahina naman ang ating batas at kayang-kaya niyang pagdusahan sa kulungan ang kanyang ginawang karumal-dumal na krimen,” dagdag pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

156

Related posts

Leave a Comment