PAGBABA NG INFLATION RATE IPARAMDAM SA MASA — SOLON

poor

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINAMON ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na iparamdam sa mamamayan ang ipinamamayabang umano nilang pagbaba ng inflation rate.

Ginawa ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite ang hamon matapos ipagmayabang ng gobyerno ang  naitalang 2.4 % na inflation rate noong Hulyo.

“Totoong bumaba ang inflation rate (noong Hulyo)  kung ikumpara sa 6.8% last September 2018. Pero ang tanong, nararamdaman ba ng mamamayan?,” tanong ni Gaite.

Ayon sa mambabatas, posibleng ang mga mayayaman at mga empleyado na may malalaking suweldo ang nakakaramdam sa 2.4% na inflation rate subalit hindi ang mga ordinaryong mamamayan lalo na ang poorest of the poor.

Ipinaliwanag ng mambabatas na 20% lang kasi sa income ng mga mayayaman o may malalaking suweldo ang nagagastos ng mga ito sa pagkain habang 70% naman sa income ng mga mahihirap ay napupunta sa kanilang pagkain.

Isa sa pinagbabatayan aniya sa pagsukat ng inflation rate ay ang presyo ng bigas subalit dahil wala na aniyang NFA rice na nabibili noong P27 kilo ay hindi nakinabang dito ang mga ordinaryong mamamayan.

Magugunita na tumigil na ang NFA sa pagbebenta ng bigas matapos maging batas ang Rice Tariffication law o Republic Act (RA) 11203 noong Marso kaya ang murang bigas aniya ngayon ay naglalaro na sa P32 pataas kada kilo.

Dahil dito, hindi aniya ramdam ng mga ordinaryong mamamayan ang pagbaba ng inflation rate kaya malaking hamon aniya sa Duterte administration na iparamdam ito ito sa mga tao.

162

Related posts

Leave a Comment