(NI MAC CABREROS)
SINEGUNDAHAN ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘ibasura’ ng Commission on Elections (Comelec) ang kontrata sa Smartmatic.
Ayon sa Namfrel, pag-aari ng dayuhang kompanya ang Smartmatic kaya’t dapat walang papel sa halalan sa Pilipinas.
“The conduct of Philippine elections, automated or not, should be left at the hands of Filipinos,” diin statement ng Namfrel.
Sinang-ayunan ng grupo ang hakbang ng Punong Ehekutibo dahil nagbigay-daan ito para mabisita at maamyendahan ang Republic Act 9369 o Automated Election Law upang mahikayat ang ating kababayan lalo na ang mga nasa IT industry na bumuo ng sistema at makagawa ng makina para sa computerized election.
Kasabay nito, isinulong ng grupo ang pagbabalik sa mano-manong botohan at bilangan.
Ngunit nilinaw ng grupo na tanging ang pagboboto ang manual habang computerized ang bilangan.
“Computer assisted vote counting using laptops and LCD projectors to publicly display the progress of the vote tally, thereby doing away with the tally boards pasted on all four walls of school classrooms that served as voting precincts,” diin ng Namfrel.
147