(NI BETH JULIAN) MINSAN pa ay muling pinatamaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Smartmatic. Sa pagdalo nitong Huwebes ng Pangulo sa pagdiriwang ng mga Muslim sa Eid’l Fitr sa Davao City, sinabi ng Pangulo na hindi dapat masayang ang kahit na isang boto lamang sa susunod na eleksyon sa 2022. Pinangangambahan ng Pangulo na baka mauwi lamang sa gulo at patayan ang sitwasyon kapag isang Muslim lang ang magreklamo dahil hindi nabilang ang kanyang boto o kaya ang mga kandidato na natalo pero naniniwalang sila ay nanalo at hindi nakaupo…
Read MoreTag: Smartmatic
COMELEC TAMEME PA RIN SA KALAMPAG NG LP
(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ng Liberal Party (LP) ang Commission on Elections (Comelec) na magpaliwanag sa iregularidad sa nakalipas na May 13 midterm elections na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot ng poll body. Giit ni Senador Francis Pangilinan, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatanggap ng LP ang tugon ng Comelec sa maraming isyu sa May 2019 elections tulad ng 7-hour glitch. “Comelec has yet to officially turn over its technical report and findings on the reason behind the glitch and has yet to release all logs of…
Read MorePAGBASURA SA SMARTMATIC PINABORAN NG NAMFREL
(NI MAC CABREROS) SINEGUNDAHAN ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘ibasura’ ng Commission on Elections (Comelec) ang kontrata sa Smartmatic. Ayon sa Namfrel, pag-aari ng dayuhang kompanya ang Smartmatic kaya’t dapat walang papel sa halalan sa Pilipinas. “The conduct of Philippine elections, automated or not, should be left at the hands of Filipinos,” diin statement ng Namfrel. Sinang-ayunan ng grupo ang hakbang ng Punong Ehekutibo dahil nagbigay-daan ito para mabisita at maamyendahan ang Republic Act 9369 o Automated Election Law upang…
Read MoreSUHESTIYON NI DU30 VS SMARTMATIC PAG-AARALAN NG COMELEC
(NI HARVERY PEREZ) KINAKAILANGAN umano na magkaroon ng legal na basehan para hindi na isali ang technology solutions firm Smartmatic sa mga susunod na public bidding ng Commission on Elections (Comelec). Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-ban na ang naturang Venezuelan firm. Sa pagsasalita sa Japan, sinabi ni Duterte na nagtataka siya kung bakit patuloy na nakukuha ng Smartmatic ang mga government deals sa kabila ng maraming reklamo sa mga equipment nito na ginagamit sa halalan. Iginiit ni Pangulong Duterte…
Read MoreKONTRATA SA SMARTMATIC IPINAPUPUTOL NA SA COMELEC
(NI CHRISTIAN DALE) SINABIHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Elections (Comelec) na putulin na nito ang kontrata sa Smartmatic para sa election results transmission sa Pilipinas. “I’d like to advise Comelec now: Dispose of Smartmatic and look for a new one that is free of fraud,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati Huwebes ng gabi sa Filipino community sa Japan. Ang katuwiran ng Pangulo, ayaw na umano ng mga tao sa Smartmatic dahil hindi nabibilang nang totoo ang mga boto nito. “Kasi ang Liberal…
Read MoreGENERAL NASA LIKOD NG SANTILLAN ‘MURDER’ –CHONG
(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD) IBINULGAR ni Atty. Glenn Chong na aabot sa P150 milyon ang pinakawalan para paslangin ang kanyang security aide at patahimikin sa usapin ng Smartmatic issue. Tinukoy ni Chong, humarap sa pagdinig sa Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ang ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nasa likod ng pagpatay sa kanyang security aide na si Richard Santillan noong Disyembre ng nakaraang taon. Partikular na kinilala ni Chong si PC/Supt. Edward Carranza, hepe ng PNP Region IV-A na sinasabing…
Read More