(NI KIKO CUETO)
TATANGGAP na muli ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ng applications para sa medical financial assistance simula ngayong araw, matapos na rin na pansamantala itong itigil dahil sa tangkang fraud.
Sa isang kalatas, sinabi ng PAGCOR na ito ay sa pamamagitan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kung saan ang mga walk-in requests ay bibigyan ng endorsement ang mga kwalipikado.
“Under the arrangement, PAGCOR will be able to tap the assistance of PCSO, which has more human and organizational resources and experience in processing requests for medical assistance,” sinabi ng PAGCOR.
Maglalabas sila ng “PCSO guarantee letter” kung pasado ang aplikasyon.
Inaresto kamakailan ang mag-asawa na nagsumite ng mga pekeng dokumento sa PAGCOR.
Naharap sa kasong falsification of public documents ang dalawa. Pansamantalang itinigil ang pagbibigay ng medical assistance dahil doon.
169