PAGLABAS NG NARCO LIST NG DILG KINONTRA SA SENADO

senate22

(NI NOEL ABUEL)

KINONTRA ng ilang senador ang plano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ilabas ang listahan ng mga opisyal na sangkot sa operasyon ng droga.

Ayon kina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senador Richard Gordon, mas makabubuting sampahan muna ng kaso ang mga isinasangkot sa droga bago ilabas ang kanilang mga pangalan upang hindi mahaluan ng pamumulitika.

Sinabi ni Lacson na hangga’t walang ebidensya at hindi pa rin validated ang talaan ay maaari lamang itong gamitin para sa intelligence purposes upang maging batayan sa case build up para maihain na ang anumang kaso sa mga kasama sa listahan.

Hindi umano makatarungan ang agaran nitong paglalabas lalo nang malapit na ang halalan dahil agrabyado ang mga pangalang matutuklasang hindi naman sangkot.

“Making it public is unjust and unfair to those who may be delisted later, worse after the May elections. This has happened before and it could happen again,” saad ni Lacson.

Para naman kay Gordon, kung hindi pa nakakasuhan ang mga ilalabas sa Narcolist ay tiyak na sasabihing pamumulitika lamang ito at kinalaunan ay balewala rin.

 

136

Related posts

Leave a Comment