PAGTANGGAL SA WIKANG FILIPINO AT PANITIKAN IBASURA

Dapat na ibasura nang Commission on Higher Education (CHED) ang polisiya na tanggalin ang wikang Filipino at panitikan sa  curriculum sa kolehiyo.

Ayon kay Senator Kiko Pangilinan, ang pambansang wika ng alinmang bansa ay dapat ituring na mahalagang kurso sa mga paaralan.

Sa panig ni Senador Koko Pimentel, iginiit nitong ibalik sa core curriculum sa kolehiyo ang pambansang wika at panitikan dahil marami naman umanong natutunan dito.

Para naman kay Senador Ping Lacson ay nakahihiya na sa kabila ng pagiging Pilipino ay maraming mga bata ngayon ang hindi marunong magsalita ng wikang Filipino.

Giit naman ni Senador Joel Villanueva, ang sariling wika at panitikan ay mahalaga sa paghubog ng ating kaisipan bilang Filipino, kung kaya’t hiling nitong pagbutihin at palakasin ang pagtuturo nito sa elementary at high school.

Dapat din umanong pag-isipang mabuti ang curriculum na ipapaloob kung isasabatas ang pagtuturo nito sa kolehiyo upang maiwasan ang pagkakaulit-ulit.

Mahalaga naman  para kay Senator Chiz Escudero na iakma sa mga pagbabago sa panahon ngayon ang curriculum at huwag magpabigla-bigla sa desisyon.

Panatilihin ang wikang Filipino at Panitikan sa kolehiyo  para naman sa hindi mawala ang kaalaman ng kabataan sa paggamit nito, wika naman ni Senador Win Gatchalian.

279

Related posts

Leave a Comment