PRESYO NG BILIHIN SISIRIT PA

Malaking problema sa supply ng mga bilihin ang tiyak na kakaharapin ng mga distributor dahil sa ikinasang truck holiday o tigil-biyahe ng mga truck driver at operator.

Ito ang ikinababahala ni Steve Cua ng Philippine Amalgamated Supermarket Associations, kung saan ay maaari umano itong magresulta ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo pa’t nalalapit na ang holiday season, panahon kung kailan tumataas ang “demand” ng ilang mga produkto.

Ngayon pa lang ay nangangamba na ang mga may-ari ng mga supermarket na masasapol ang ka-nilang negosyo dahil sa bantang truck holiday.

Ikinasa na ng mga truck driver ang tigil-biyahe simula ngayong Lunes, Nobyembre 19, bilang protesta sa nakaimbak na container na walang laman sa mga pier sa Maynila at maging sa “pressure” umano ng Department of Transportation (DOTr) na palitan ang mga lumang delivery truck.

Ayon naman kay Teddy Gervasio, pangulo ng Inland Haulers and Trucker Association sa halip na maubos umano ang oras ng kanilang mga delivery truck sa paghihintay sa labas ng panta-lan ay nagpasya silang itigil na muna ang delivery o paghahatid ng mga produkto.

Kapag nagkataon, babala pa ni Geryasio, ay hindi malayong maulit ang nangyaring port con-gestion noong 2014 kung saan hindi halos gumagalaw ang mga delivery truck na patungong pier na labis na nakaapekto hindi lamang sa daloy ng trapiko na umabot hanggang North Lu-zon Expressway (NLEX) kundi naging sanhi rin ng pagtaas sa presyo ng ilang mga bilihin.

5

Related posts

Leave a Comment