PALASYO SA CELEBS NA NASA WATCHLIST: MAGPA-REHAB NA KAYO!

panelo 200

(NI BETH JULIAN)

PINAYUHAN ng Malacanang ang mga  artistang gumagamit ng ilegal na droga na boluntaryo na lamang magpa-rehabilitate bago pa tuluyang masira ang kanilang career at ang kanilang buhay.

Inihayag ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na handa naman ang gobyerno na tulungan ang mga artistang gumagamit ng ilegal na droga kung nais magpa-rehabilitate.

“Tutulungan naman ng pamahalaan ang sinumang nangangailan na nais mahinto sa paggamit o pagbebenta ng droga, iparerehab sila,” wika ni Panelo.

Ayon kay Panelo, may dalawang paraan para mahinto ang ilegal na transaksyon ng droga sa bansa, una, sirain ang mga kagamitan, pangalawa, ipa-rehabilitate ang mga lulong sa droga.

Matatandaan na pagkatapos ibunyag ng Philippine National Police (PNP) at Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may 31 celebrities ang nasa drug watchlist ay inihayag ng Malacanang na hindi bibigyan ng special trestment ang mga ito.

Una nang inihayag ng pamunuan ng PNP at PDEA na isapubliko ang listahan ng mga nasa drug watchlist kasunod ng pagkamatay sa buy-bust operation ng umano’y bigtime drug supplier na si Steve Pasion.

159

Related posts

Leave a Comment