SUPPLY, SAPAT, ‘WAG MANGAMBA — MERALCO

meralco1

TINIYAK ng Manila Electric Company (Meralco)  na sapat ang supply ng kuryente sa kabila ng pagbaba ng lebel ng tubig sa mga dam na pinagkukunan ng hydroelectricity.

Ang bulto ng supply ng Meralco ay galing sa natural gas plants sa Batangas province, ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

“May sapat po tayong supply at huwag po tayong mangangamba dahil sapat po ang ating reserba,” sabi nito sa panayam.

Sinabi rin ni Zaldarriaga na ang power interruption na mararanasan ngayong linggo sa Metro Manila at kalapit na probinsya ay dahil sa maintenance operations at hindi dapat sa kakapusan ng supply.

Idinagdag nito na maliliit na lugar lamang umano ang apektado at may oras ang pagkawala ng supply ng kuryente.

93

Related posts

Leave a Comment