PANELO IPINAGTANGGOL ANG CHINA

WPS-CHINA

(Ni SAMANTHA MENDOZA)

Nanindigan si Presidential spokesperson Salvador Panelo na walang gagawing paninikil ang mga opisyal at tauhan ng China laban sa mga Pilipino na nangingisda sa West Philippine Sea (WPS).

Idiniin Panelo sa harap ng mahigit 300 abogado na dumalo sa Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Northern Luzon Chapter convention sa Lungsod ng Tuguegarao, Cagayan na magiging maayos na ang kalagayan at pagtrato sa mga mangingisda matapos makipag-usap ng Pilipinas sa China.

Binigyang diin ni Panelo na walang dapat pag-awayan ang Pilipinas at China sa WPS dahil maging ang United Nations ay hindi naman umano gumagalaw para maipatupad ang desisyon ng international arbritration body na pabor sa Pilipinas.

Aniya, nag-usap ang mga pinuno ng dalawang bansa upang maiwasan ang away at paninikil sa mga mangingisdang Pilipino habang naghahanap sila ng mga isda sa WPS.

150

Related posts

Leave a Comment