PANELO SA PLANONG PAGPAPATALSIK KAY DUTERTE: SISON ILUSYUNADO

PANELO-SISON

TINAWAG ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ilusyunado si Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison sa plano nitong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon.

Ayon sa kalihim, dapat mapagtanto ni Sison na ang 50 taong rebelyon na isinusulong niya ay walang ibinunga hanggang sa ngayon dahil napakalayo nito at matagal na itong wala sa bansa.

Paliwanag pa niya, mas mabuti pang ituloy ang pakikipagdiyalogo sa mga miyembro ng komunistang grupo na nakararanas ng hirap sa bundok kumpara sa lider nila na nagpapasarap lamang sa ibang bansa.

Nauna rito ay sinabi ni Sison na bukas sila sa panunumbalik ng peace talk pero tuloy ang kanilang mga opensiba para mapabagsak ang administrasyong Duterte.

10

Related posts

Leave a Comment