PANGAMBA NG BANKING INSTITUTION PINAWI NI DIOKNO

diokno7

(NI BETH JULIAN/PHOTO BY KIER CRUZ)

MAYROON nang first order of business si bagong Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno.

Ito ay tinatawag na kauna unahang monetary policy meeting na simulang pinamunuan, Huwebes.

Sinabi ni Diokno na ipagpapatuloy nito ang polisiya ng BSP gaya ng pananatili ng integridad sa financial system, price stability at maging ang  advocacy ng pumanaw na si BSP Governor Nestor Mejia Jr. sa usapin ng financial inclusion.

Pinawi ni Diokno ang pangamba mula sa banking institution sa pagkuha ng Pangulo ng mamumuno sa BSP na hindi ‘taga-loob’.

Ayon kay Diokno, nakaiintindi naman siya ng galawan sa pagbabanko, may PHD sa economics, at may tamang pagsasanay bukod pa sa naging independent director ng isang banko.

Sinabi nito na alam din nito ang mga requirement sa proseso ng pagpapautang.

Inihayag din ni Diokno na unang naisip ni Pangulong Duterte na maging BSP Governor si Finance Secretary Carlos Dominguez pero ipinasa ito sa kanya ng kalihim kaya siya ang napagtuunan nang pansin ng Pangulo para alukin sa puwesto na malugod din naman niyang tinanggap.

 

160

Related posts

Leave a Comment