PARTYLIST REP IIMBESTIGAHAN SA PANANAPAK NG WAITER

rep33

(NI CESAR BARQUILLA)

HINDI kukunsintihin at walang sisinuhin Ang Probinsyano Partylist sa anumang uri ng pang-aabuso kahit na sa kanila pang hanay.

Kaugnay ito sa napa-ulat na insidente na kinasangkutan ng kanilang pangunahing nominee na si Alfred Delos Santos sa isang kainan sa Legaspi City.

Ayon kay Ang Probinsyano Partylist spokesperson Atty. Joco Sabio, nagsasagawa na rin ang kanilang partido ng sariling imbestigasyon sa tunay na nangyari na naganap nitong Hulyo 7.

Nabatid sa ulat, sinuntok umano ni Delos Santos ang isang service crew na nakilalang si Christian Kent Alejo, 20, habang kumakain ito at mga kasamahan.

Sinabi pa ni Sabio na hindi sila mangingiming suspendihin o tanggalin si Delos Santos kung mapatutunayang totoo ang paratang sa kanya na pananapak sa isang waiter nang walang dahilan.

“Just like everyone else, the party is concerned and really disappointed with what happened. We are not taking this sitting down and we are taking all the necessary steps to make sure that this will not happen again in the future,” pahayag ni Sabio

Gayunman, iginiit ni Sabio na dapat ding bigyan ng pagkakataon si Delos Santos na magpaliwanag upang patas namang makapagdesisyon ang partido kung ano ang kanilang magiging hakbang.

Napag-alaman sa ulat na pumasok sa isang kainan ang grupo ni Delos Santos na umano’y pawang mga amoy alak at sinita ang biktima kung bakit masama itong makatingin kasabay ng walang sabi-sabing nagpakawala ng suntok.

147

Related posts

Leave a Comment