(NI BERNARD TAGUINOD)
SA halip na paggunita sa Biyernes Santo ang mood dahil sa Semana Santa, napaaga ang Pasko ng mga senador dahil lumalabas na hindi ginalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang insertions sa 2019 national budget.
Ginawa ni House Appropriations committee chair Rolando Andaya Jr., ang pahayag dahil tila ipinagmamalaki umano ng Senado na nai-veto ni Pangulong Duterte ang kanilang amendment sa 2019 budget at hindi ginalaw ang mga insertions ng Senado na nagkakahalaga ang P83.9 Billion.
Base sa mga report, pinirmahan na ni Duterte ang national budget subalit , umaabot sa P95.3 Billion ang kanyang binura o nai-veto na kinabibilangan ng P75 Billion na in-itemize ng liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Kung totoo, ayon kay Andaya na tanging ang bersyon ng Kamara ang binura ni Duterte, tatatanggapin nila ito subalit kailangan aniyang isapubliko ng mga senador ang kanilang mga insertions na hindi ginalaw ng Pangulo.
Buwis aniya ng taumbayan ang national budget at karapatan ng mamamayan na malaman kung saan dinala ng mga senador ang halos P84 Billion na kukunin sa kanilang ibabayad na buwis.
“On the part of the House, we have been transparent as to the authorship of the amendments. The Senate has been silent about theirs. It’s time to break their Omerta,” hamon pa ni Andaya.
Sinabi naman ni House majority leader Fred Castro na iginagalang nila ang desisyon ng Pangulo at nangako ito na makikipagtulungan pa rin ang liderato ng Kamara sa Pangulo.
118