MAS mapanganib at nakamamatay ang polusyon na ibubuga ng ‘coal’ o karbon kumpara sa ‘ashfall’ na nagmumula sa mga pumuputok na bulkan.
Ganito ikinumpara ng mga environmentalist ang ashfall sa Taal na may sangkap lamang umano na PM 10 at sulfur dioxide, habang ang mga planta ng coal ay may PM 2.5, na may maliliit na butil na mas mapanganib at nakamamatay dahil may iba pang nakalalasong sangkap na carcinogenic, mercury at arsenic.
“For communities living near the twenty-nine coal-fired power plants currently operating in the Philippines, particulate matter, toxic gas, and pollutants float in the air on a daily basis and these already claimed lives among many of the Filipino people,” paliwanag ni Ian Rivera, National Coordinator of the Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ).
Kasabay nito ay binatikos ng environmental think-tank ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa tila kawalan nito ng ambisyon at paninindigan na proteksiyonan ang kalikasan sa bansa, sa patuloy na pagkiling sa pagtatayo ng ‘coal power plants’ sa bansa.
Ayon kay Gerry Arrances, Executive Director ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), hindi umano tinutupad ni DENR Chief Roy Cimatu ang kanyang ipinahayag na sa 2020, patutunayan niya sa mga Filipino na pangangalagaan ng departamento ang kalikasan at likas na yaman ng bansa.
“DENR seems to think that they have proven themselves triumphant in performing their mandate, but there is an elephant in the room which the Department can’t expect Filipinos not to point out – the role they played in the proliferation of dirty industries, especially coal facilities, that pollute the environment and threaten the health of the Filipino public,” giit ni Arances.
Ang mga komento ay dahil na rin sa nasaksihang tensiyon at pagpa-panic ng mga residente hindi lamang sa Batangas, kundi sa mga karatig na mga lalawigan, kabilang ang Metro Manila nang magsaboy ng ashfall ang Taal Volcano.
Ganito rin ang sinabi ni Veronica Cabe ng the Coal-Free Bataan Movement (CFBM), nang masaksihan din nito ang pagkabalisa ng mga residente dahil sa mapanganib na polusyon nang magbuga ng ashfall ang Bulkang Taal. TJ DELOS REYES
147