PERU NILINDOL, PHL LIGTAS SA TSUNAMI

philvolcs12

(NI JEDI PIA REYES)

WALANG banta ng tsunami sa Pilipinas ang magnitude 7.5 na lindol sa Northern Peru.

Ito ang tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kasunod ng malakas na pagyanig sa Peru na naitala dakong alas-3:41 ng Linggo ng hapon (oras sa Pilipinas).

May lalim na 105 kilometro ang nasabing pagyanig na batay naman sa US Geological Survey ay nasa magnitude 8 na ang lindol.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagmomonitor ng Phivolcs sa lindol sa Peru.

107

Related posts

Leave a Comment