(Ni FRANCIS ATALIA)
MAS pinagkakatiwalaang bansa ng mga Filipino ang Estados Unidos, ayon sa isinagawang survey ng Pulse Asia. Lumitaw sa datos nang isinagawang pagsisiyasat, mula December 14 hanggang 21, na 84 percent ng mga Pinoy ang nagsasabing Amerika ang pinagkakatiwalaan nilang bansa.
Mataas din ang porsiyento ng mga nagtitiwalang Pinoy sa mga bansang Japan (75 percent), Great Britain (57 percent), ASEAN (82 percent) at APEC (80 percent).
Samantala, nasa 60 percent naman ng mga Pinoy ang hindi nagtitiwala sa China kahit na nakikipagmabutihan ang Pangulong Rodrigo Duterte sa nabanggit na bansa.
Umabot naman sa 54 percent ang nagsabing hindi gaano o hindi kaya ay hindi sila nagtitiwala sa Russia.
205