POLITICAL WILL DAPAT PAIRALIN NI BBM KONTRA SMUGGLING

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI mareresolba ang smuggling activities sa bansa kahit magtayo pa ng anti-smuggling court kung hindi ginagalaw ang mga smuggler at nakikipagsabwatan pa ang mga opisyales ng gobyerno.

Ginawa ni Amihan National Federation of Peasant Women secretary general Cathy Estavillo ang pahayag bilang reaksyon sa anti-smuggling court bill na dinidinig ngayon sa Senado.

“The Marcos Jr. government should exercise political will in punishing all those involved in agricultural smuggling including the erring government officials colluding with them,” ayon pa kay Estavillo.

Ang kailangan lang aniya ay seryosong ipatupad ang Republic Act 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act dahil simula noong pairalin ang batas na ito noong 2016 at nagtatag pa ang gobyerno ng iba’t ibang anti-smuggling task forces ay wala pa ring nakukulong na smugglers.

“Sa mga nagdaang pagdinig sa Kongreso at Senado, may mga lumutang nang pangalan na involved sa smuggling pero wala ni isa ang napanagot. Dapat mahigpit na ipatupad ang batas at tiyakin na hindi makakalusot ang mga sangkot,” ani Estavillo.

Idinagdag pa nito na “….aanhin natin ang panibagong batas kung hindi naman ipapatupad o kung hahayaan ang mga smuggler na ikutan ang batas?”

Lumalabas na untouchable umano ang mga smuggler kaya patuloy ang smuggling activities lalo na sa produktong agrikultura na pumapatay sa mga lokal na magsasaka.

Kailangan din aniyang suportahan ang mga magsasaka upang dumami ang kanilang ani at mawalan ng dahilan ang mga importers na umangkat ng mga produktong agrikultura.

248

Related posts

Leave a Comment