REP. BATOCABE NAMATAY HABANG NAGSISILBI

Rep. Batocabe

(NI BERNARD TAGUINOD) NAMATAY habang nagsisilbi sa mga mamamayan lalo na sa mga matatanda at may kapansanan si AKO Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe. Bukod pa sa katotohanang iyon din ang mismong wedding anniversary nila ng kanyang maybahay.

Ganito inilarawan ng isa sa mga kinatawan ng Senior Citizen party-list sa Kamara na si Rep. Franciso Datol Jr., ang pagkamatay ng kanilang pangulo sa Party-list Coalition Inc, na si Batocabe sa Brgy. Burgos, Daraga Albay.

“Congressman Rodel Batocabe was murdered while personally rendering service to Bicolano senior citizens,” ang pagluluksang pahayag ni Datol.

Si Batocabe aniya ang may-akda sa House Bill 6251 o  National Senior Citizens Commission Act ay  nagmamagandang loob lamang umano sa mga matatanda o senior citizens nang paslangin ito.

Ayon naman kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, kasama nila si Batocabe sa pakikipaglaban para maipasa ang Reproductive Health (RH) Law noong nakaraang Kongreso.

“Rodel Batocabe. While we were not always in agreement, we were allies in the RH law fight. Kakilala. Nakasama. Kalungkot,” ani Baguilat.

Tulad ng ibang mambabatas ay nais ni Baguilat na magkaroon agad ng hustisya sa pagpatay kay Batocabe na isa sa mga low-profile at hard working congressman sa Kamara.

Hindi lang anila ang pumatay o mga pumatay kay Batocabe ang dapat tugisin kundi ang mg nag-utos sa mga salarin para patayin ito.

“This highlights the climate of impunity prevalent in our country now and we hope that the perperator of this crime is brought to justice at the soonest time possible,” ayon naman kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

7

Related posts

Leave a Comment