PAG-ULAN ASAHAN; BAGONG SAMA NG PANAHON NAMATAAN

pagasa

(Ni FRANCIS ATALIA)

Patuloy na magiging maulap ang kalangitan na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region at buong Visayas ngayong araw dahil sa low pressure area (LPA).Namataan ang sama ng panahon sa layong 165 kilometro Hilagang-Silangan ng Surigao base weather update ng PAGASA kaninang alas-4 ng madaling araw.

Amihan naman ang magdadala ng mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON at Metro Manila.Magiging maalinsangan at maganda ang panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon at buong Mindanao na may mga panandaliang pag-ulan na dulot na localized thunderstorms. Walang nakataas na gale warning sa anumang baybaying dagat ng bansa sa kasalukuyan.Samantala, may bagong LPA ang minomonitor ng PAGASA na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

142

Related posts

Leave a Comment