KINASTIGO ng mga netizen si Marikina Rep. Stella Quimbo dahil sa inasal nito sa nakaraang pagdinig sa Kongreso patungkol sa proposed budgets ng Office of the President (OP) at Office of the Vice President (OVP).
Sinisi nila ang mambabatas, bukod kay Rep. Sandro Marcos, na dahilan kaya napigilan ang kanilang mga kasamahan na mabusisi ang ang confidential and intelligence funds (CIF) ng dalawang mataas na tanggapan.
Sa kanyang pagdepensa sa parliamentary courtesy na ibinigay ng House appropriations committee sa tanggapan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte ay nagkautal-utal si Quimbo, na nakadagdag sa pamba-bash na kanyang inabot.
Pagtatanggol ni Quimbo sa mabilisan nilang pag-apruba sa budget nina Marcos at Duterte: “Well, um, the extension of parliamentary courtesy to the… Office of the President and Office of the
Vice President has been a long-standing tradition. Um… It’s… This is something that we did not invent. It’s been there for a long time.”
“And uh, there’s a… reason for—for why we do this. It’s—it’s basically um… so… I guess it’s… it’s so that um, we don’t uh… we make sure we don’t embarrass for example, the President and as well as the Vice Pre… the Vice President,” dagdag pa ni Quimbo, senior vice chairperson ng appropriations panel.
Bunga nito, sinumbatan ng mga netizen ang mambabatas dahil malinaw na ang interes ng kanilang mga ‘amo’ na sina Marcos at Duterte ang kanilang pinoproteksyunan at hindi ang taumbayan.
Maging si Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ay nagpahayag ng pagkadismaya.
“The highest form of courtesy in this country should be extended to the Filipino people. May karapatan po ang mamamayan na alamin paano ginagastos ang pondo ng bayan. At yun yung dapat manaig at all times. Galangin dapat natin ang karapatan ng mamamayan,” aniya.
Basahin ang ilan sa mga komento sa social media:
Harry Poppers:
sa amin na malilit na tao at taga bayad ng tax di kayo nahihiya na nilulustay nyo nalang ang funds ng taong bayan. hay naku.
Whoops:
Sa amin na taxpayers?? Na nagpapasweldo sa inyo jan lahat?
Hindi kayo nahihiya??
Anong klaseng mentalidad yan?
mondu:
Sana sa taxpayers kayo mahiya. Kakapal ng mukha
Akmed:
Courtesy sa magnanakaw.
Kabastusan naman sa mga taxpayers.
CathyF:
nagpalusot ng bilyong pera kasi baka may mapahiya….e susko teh, di naman mga malinis mga pangalan ng mga yan! ung isa dugong berdugo taz yung isa dugong magnanakaw. ano pino-protektahan mo?!?
Erwin B:
Ah, ok. Just like saying, the people are our slaves. They have to pay their taxes for BBM & Sara because we don’t want to embarass them.
#LCAB:
Flimsy reason. First and foremost should be the interest of the people.
Bernard:
Nahihiya kayo sa kanila Maam pero di kayo nahihiya sa taumbayan na tunay mong boss?
Kapal naman nang mukha mo nohh…
Mulat Tayo:
When some gov’t officials seem to forget that they are merely employees of taxpayers…
Hindi na nila alam kung kanino DAPAT mahiya.
Myk bangis:
Klase ng politiko sa Pinas.
Patrick Salamat:
You basically admitted that they’re doing something embarrassing and you’re just trying to cover it up.
sky388:
hindi trabaho ng congress ang hindi pahiyain ang kahit sinong opisyal ng pamahalaan.
marikina 2nd district voters should think ano pa kaya nitong pagbigyan o pabayaan.
DRW:
So binoto ng Pilipino sila para sa President at VP hindi para sa Pilipino people
RM:
This kind of “culture” that you’re having is the one that shouldn’t be kept in existence! Ginawa raw para di mapahiya ang presidente at bise?! So, di talaga kayo nag-iisip. Pera n’yo ba ‘yan? PERA N’YO?!
Misty:
Ms Quimbo drops “embarrass” as if there’s any shame left to care about. Garapalan na nga eh.
Millennial Anarchist:
Yung mas iniisip mo pa na baka mapahiya sila kesa sa karapatan ng taumbayan na malaman kung saan gagamitin ang milyon milyong confidential funds. May mali.
Very disappointing itong stella.
Robbo:
Bakit ka takot punahin yung presidente at bise presidente? Kanino galing sweldo nila? At sweldo mo? Ang trapo nilalampaso! Wala kang kwenta ng tao!!
ᴬᵈᵉˡ:
Sana ganito magalit si Stella Quimbo sa mga milyones na budget para sa Confidential and Intelligence Funds ng DepEd at OVP.
The hypocrisy of a traditional politician, no credibility and a very questionable moral compass.