RETIRED REGIONAL OFFICIALS NG NIA KINASUHAN SA OMBUDSMAN

nia12

(NI JESSE KABEL)

NAGSAMPA ng kasong katiwalian at korapsiyon  sa tanggapan ng Ombudsman ang National Irrigation Administration (NIA) laban sa ilang retired regional officials bunsod ng umanoy mga katiwalian sa implementasyon ng mga proyektong pang-irigasyon .

Nais ng  NIA na magsagawa ng imbestigasyon ang Ombudsman tungo sa pagsasampa ng pormal na sakdal sa mga sangkot na irrigation officials na makikitaan ng probale cause.

Nabatid na kamakailan, apat na NIA officials ang sinibak sa tungkulin, pito naman ang sinuspinde dahil sa pagkakadawit sa iba’t ibang iregularidad at  criminal liability sa  project implementation.

Habang siyam naman ang ni-relieve mula sa kani-kanilang field offices at sumasailalim sa imbestigasyon ng Central Office.

Sinasabing ang pagsugpo sa graft and corruption  ay nangunguna sa “Four-Point Agenda “ ni NIA Adminsitrator Ricardo R. Visaya.

Dahil dito lumikha si  Administrator Visaya ng Inspection and Assessment Team para bantayan ang lahat ng NIA projects, beripikahin ang mga katanungan at reklamo na may kaugnayan sa proyekto, ayudahan ang mga  NIA officials and personnel, at tumugon sa mga  issues para mapabilis ang mga nakabimbing proyekto.

 

149

Related posts

Leave a Comment