RIGODON SA PARTIDO IPAGBABAWAL

rigodon

(NI BERNARD TAGUINOD)

SA layuning mapatatag ang political party system sa bansa, inayunan na sa committee level sa Kamara panukalang magbabawal sa mga pulitiko na bumalimbing o lumipat ng partido bago at pagkatapos ng eleksyon.

Kasama ng panukalang ito sa substitute bill  na inaprubahan ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Nueva Ecija Rep. Estrelita Suansing tulad ng paglilibre ng buwis sa P1 milyon hanggang P10 milyon  political donations sa mga partido.

Mismong si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang nagsulong sa panukalang nagbabawal sa mga pulitiko na lumipat ng ibang partido isang taon bago at pagkatapos ng halalan.

“Our history tells us that political parties in the Philippines are normally used only as political vehicles to win an election. Hence, most political aspirants change political parties for convenience, rather than conviction,” ani Arroyo.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ng pagkatapos ng eleksyon ay lumilipat na ang ibang partido ang mga pulitiko at karaniwang nililipatan ng mga ito ang partido ng nanalong Pangulo.

“This only shows the lack of ideology commitment to the members of a party because they choose parties based on the rise and fall of the tide of opportunity,” ayon pa kay Arroyo.

Kapag naging batas ito, maaaring lumipat sa ibang partido ang isang pulitiko isang taon pagkatapos ng eleksyon subalit kailangang munang maghain ang mga ito ng resignation letter sa partido.

Maliban dito, hindi maaaring iappoint ang mga pulitikong lumipat sa ibang partido lalo na ang mga natalo kung saan naniniwala ang dating Pangulo na paraan ito upang mapatatag ang sistema ng partido pulitikal sa bansa.

 

190

Related posts

Leave a Comment