SEC. BRIONES SA MGA GURO: ‘WAG MAGING PARTISAN

briones12

(NI KEVIN COLLANTES)

DALAWANG araw bago ang midterm elections ngayong Lunes, Mayo 13, pinaalalahanan ni Education Secretary Leonor Briones ang mahigit 500,000 mga guro at mga opisyal at personnel ng Department of Education (DepEd) na iwasan ang electioneering at partisan politics, sa gagawin nilang pagsisilbi sa halalan.

Sa isang pahayag, pinasalamatan ni Briones ang kanilang mga teacher-volunteers dahil sa muling pagsabak ng mga ito upang magsilbi sa eleksyon, sa kabila ng mga hamon na kaakibakit nito.

Ayon kay Briones, dapat na iwasan ng mga guro ang masangkot sa electioneering, gayundin sa partisan politics, upang matiyak ang pagkakaroon ng isang patas na eleksyon sa bansa.

Dapat rin aniyang tiyakin ng mga guro na wala silang kikilingan sa pagbibigay ng serbisyo publiko, at panatilihin ang kanilang integridad habang gumaganap ng tungkuling iniatang sa kanila sa eleksiyon.

Binigyang-diin pa ng kalihim na ang kanilang departamento ay kaisa ng mga mamamayan sa pagnanais at pagsusumikap na magkaroon ng tapat at mapayapang halalan sa bansa.

Giit pa niya, hindi nila pinapayagan ang kanilang mga opisyal sa departamento na gamitin ang kanilang ‘position of authority’ para impluwensiyahan ang mga non-teaching personnel na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa, na suportahan ang kanilang  napupusuang kandidato o partidong political.

178

Related posts

Leave a Comment