(NI CHRISTIAN DALE) SINABIHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commission on Elections (Comelec) na putulin na nito ang kontrata sa Smartmatic para sa election results transmission sa Pilipinas. “I’d like to advise Comelec now: Dispose of Smartmatic and look for a new one that is free of fraud,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati Huwebes ng gabi sa Filipino community sa Japan. Ang katuwiran ng Pangulo, ayaw na umano ng mga tao sa Smartmatic dahil hindi nabibilang nang totoo ang mga boto nito. “Kasi ang Liberal…
Read MoreTag: election
DAGDAG KOMPENSASYON HIRIT NG MGA GURO SA COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) NANAWAGAN sa Commission on Elections (Comelec), ang grupo ng mga titser na bigyan sila ng dagdag na kompensasyon at overtime rates para sa karagdagang oras na iniukol nila sa pagseserbisyo sa May 13 midterm elections. Ito ay base sa liham na ipinadala nitong Biyernes ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines (ACT) na naka-address kay Comelec chair Sheriff Abas at pirmado ng Secretary General nito na si Raymond Basilio. Iginiit ng grupo na dapat lamang na mabigyan ng karagdagang kompensasyon ang libu-libong guro, na gumanap bilang board of election…
Read MoreLUMABAS, BUMOTO; 61-M PINOY INAASAHAN SA HALALAN
NAGSIMULA na ang botohan kung saan higit sa 61 milyong botante ang inaasahang lalabas para bumoto sa kabila ng inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) sa 78% turnout ng mga botante. Umaabot sa 43,554 national at local candidate ang tumatakbo sa 18,071 posisyon – mula senador pababa sa municiap councilor, ayon pa sa datos na inilabas ng Comelec. Nasa 62 kandidato ang maglalaban-laban sa 12 posisyon sa Senado dahil ang 12 posisyon ay napunan na noong May 2016 elections. Sa party-list group, nasa 134 ang tumatakbo habang 61 naman ang…
Read MoreSEC. BRIONES SA MGA GURO: ‘WAG MAGING PARTISAN
(NI KEVIN COLLANTES) DALAWANG araw bago ang midterm elections ngayong Lunes, Mayo 13, pinaalalahanan ni Education Secretary Leonor Briones ang mahigit 500,000 mga guro at mga opisyal at personnel ng Department of Education (DepEd) na iwasan ang electioneering at partisan politics, sa gagawin nilang pagsisilbi sa halalan. Sa isang pahayag, pinasalamatan ni Briones ang kanilang mga teacher-volunteers dahil sa muling pagsabak ng mga ito upang magsilbi sa eleksyon, sa kabila ng mga hamon na kaakibakit nito. Ayon kay Briones, dapat na iwasan ng mga guro ang masangkot sa electioneering, gayundin…
Read MoreNCR NAKAHANDA, 8,298 VCM NASA POLLING PRECINCT NA
(NI NICK ECHEVARRIA) KUMPLETO na ang delivery ng 8,298 na mga vote counting machine (VCM) sa 723 mga polling precinct kaya handang-handa na ang Metro Manila para sa local at national elections sa Lunes. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Guillermo Eleazar, nasa 16,000 mga pulis ang ikakalat sa buong Kamaynilaan para bantayan, hindi lamang ang mga polling centers at mga canvassing areas, kung hindi pati na rin sa pagmamantini ng kanilang anti-criminality campaign. Sinabi ni Eleazar na hindi sila maaaring magpabaya dahil palaging nag-aantay lamang…
Read MoreS. COTABATO PINATUTUKAN NG PNP SA ELEKSIYON
(NI NICK ECHEVARRIA) PINATUTUTUKAN ni Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde kay Police Regional Office (PRO) 12 Director P/BGen. Eliseo Tam Rasco ang mga hotspots na lugar sa kanilang rehiyon partikular ang South Cotabato. Ginawa ni Albayalde ang kautusan makaraang pulungin ang mga opisyal ng PRO 12 sa kanilang headquarters sa kanyang pagbisita nitong Huwebes para personal na alamin ang kahandaan nito sa magaganap na eleksyon sa Lunes. Apat na araw bago ang halalan, gustong matiyak ni Albayalde na hindi makakapanggulo ang mga armadong grupo sa lugar tulad ng…
Read MoreNUMBER CODING SUSPENDIDO SA MAY 10, 14
(NI ROSE PULGAR) SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa mga provincial buses sa Biyernes (Mayo 10) at Martes (Mayo 14) upang bigyan daan ang mga commuters na uuwi ng kanilang mga probinsiya para bumoto. Sa abiso ng MMDA, ang suspensiyon ay para tiyakin na may sapat na pampublikong transportasyon ang mga mananakay patungong probinsiya at pabalik ng Metro Manila. Ayon kay MMDA Traffic Czar Bong Nebrija, sinuspinde ang number coding upang mapadali ang biyahe ng mga pasaherong uuwi sa…
Read MoreKAHIT PULIS PA; ARMAS OFF-LIMITS SA POLLING PRECINCTS
(NI NICK ECHEVARRIA) BAWAL magdala ng baril sa loob ng mga polling precinct ang mga bobotong pulis sa Lunes kahit nakasuot ng uniporme ang mga ito. Kahit umano ang mga pulis na sinanay ng Commission on Elections (Comelec) bilang Board of Elections Inspector kapalit sakaling may mag-absent na mga guro, ay bawal ding magdala ng armas. Ito ang mahigpit na babala ni Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde na tanging ang mga naka-duty lamang na mga pulis na magbabantay sa mga nasabing polling precinct ang may pahintulot na magdala ng…
Read More7 LUGAR SA CAVITE SAKOP NA NG ‘IMMEDIATE CONCERN’
(NI SIGRED ADSUARA) PITONG lugar sa Cavite ang tinututukan ngayon bilang ‘election areas of immediate concern’ sa Mayo 13. Kabilang dito ang lungsod ng Imus, Dasmarinas, Gen. Trias, Trece Martires, ang mga bayan ng Kawit, Rosario at Maragondon, pawang sa Cavite. Sa idinaos na send-off ceremony nitong Martes sa Camp BGen Pantaleon Garcia sa Imus City, Cavite na pinangunahan ni Provincial Director, Police Coronel Willaim Segun, sinabi na ang mga areas of immediate concern ay magkakaroon ng dagdag-puwersa upang masiguro ang malinis at mapayapang halalan. Bukod sa karagdagang puwersa, magsasagawa…
Read More