SEGURIDAD SA SIMULA NG KAMPANYA KASADO NA

pnp1

(NI NICK ECHEVARRIA)

NAKAHANDA na ang inilatag na seguridad ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagsisimula ng campaign period Martes ng umaga para sa mga kandidato na tumatakbo sa national position.

Ito ang ginawang pagtitiyak ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde kasunod ng patuloy na pagba-validate nila sa listahan ng mga election hotspots.

“Well, handang handa naman na tayo doon sa ating mga security preparations. Meron tayong mga listahan at patuloy nating bina-validate yung mga listahan ng mga hotspots dito at patuloy naman yung  coordination natin with the comelec and with the Armed Forces of the Philippines (AFP)”, ayon sa pahayag ni Albayalde sa media interiview Lunes ng hapon sa Camp Crame.

Idinagdag pa ni Albayalde na maging ang deployment ng kanilang mga personnel ay nakalatag na rin kaugnay sa kanilang security plan at mga maliliit na detalye na lamang ang inaayos.

“With regards to preparations I think prepared naman na tayo even yung mga deployment n gating mga tao, yung mga names nila yun na lang pinopolish natin pero with regards to preparations of course prepare na prepared na tayo”, sambit pa ni Albayalde.

Ibinunyag din ng hepe ng pambansang pulisya na nag-iwan sila ng “stay behind forces” sa mga lugar na pinagdausan ng plebesito kaugnay sa Bangsamoro Organic Law (BOL) para tiyaking walang mangyayaring post-voting violence sa ilang mga lugar sa Mindanao.

Ngayong araw nakatakdang magsimula ang campaign period para sa national election samantalang sa Marso-a-29 naman naka-schedule magsimula ang kampanyahan para sa mga lokal na kandidato hinggil sa nalalapit na 2019 midterm election sa bansa.

 

 

115

Related posts

Leave a Comment