BAR EXAM RESULT ILALABAS SA MAYO

bar1

(NI TERESA TAVARES)

ILALABAS na ng Korte Suprem sa buwan ng Mayo ang resulta ng 2018 Bar examination.
Nabatid mula sa source sa Korte Suprema, itinakda sa May 3, 2019 ang pagsasapubliko ng resulta ng bar.
Sa record na inilabas ng 2018 bar confidant, mula sa 8,158 na bilang ng mga bar candidates na kumuha ng exam noong November 4,2018, tatlo lang ang hindi nagtuloy o kabuuang 8,155 ang tagumpay na natapos ang apat na linggo ng exam noong Nobyembre.
Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga kumuha ng pagsusulit at natapos ang bar exam sa mga nakalipas na taon.
Si Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo ang 2018 Bar Chairperson na nakatakdang magretiro sa July 29, 2019.

239

Related posts

Leave a Comment