(NI NOEL ABUEL)
TINIYAK ni Senador Panfilo Lacson na mananatiling independent ang Senado sa pagbubukas ng 18th Congress.
Ayon sa senador, interesting ang kabuuan ng Senado sa susunod na Kongreso kung saan asahan na magiging masaya at mahalaga ang talakayan ng mga senador.
“Interesting. Kasi medyo iba ang mix ng composition ng Senado at ang isa lang na maaasahan, masisigurado naming na ang Senado ay mananatiling independent,” ani Lacson.
Malaki umano ang pagkakaiba ng Senado sa Kamara base sa matagal nang tradisyon na nangyayari.
“Time-honored tradition ‘yan, unlike the HOR kasi may mga parochial concerns sila, kami national ang constituency namin. So talagang manananatiling independent ang Senado from the executive branch at kung anong narararapat gawin. Ito ay napatunayan over time,” sabi ng senador.
Inihalimbawa pa nito na sa tatlong taon sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nakapasa ang Federalism at Charter Change kahit maramig kaalyado ang Pangulo.
“Time and again tulad ng nakaraang first 3 years ng Duterte presidency, maraming kaalyado ang Pangulo pero hindi niya maitulak-tulak ang Federalism kasi maraming concerns ang aming hanay, mapa-ally ng Pangulo o hindi, kaya hindi talaga nakalusot ang Charter Change kasi ang daming alinlangan,” sabi pa nito.
176