(NI ABBY MENDOZA)
PARA kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo walang dahilan para makaapekto sa kanya ang ipinalalabas na survey kung saan sa pinakahuling Pulse Asia survey ay sya ang pinakamababa mula sa apat na pinakamataas na opisyal ng bansa.
Ayon kay Arroyo, hindi sya nababahala sa kung ano ang ratings dahil para sa kanya ay ang mahalaga ay ginagampanan nya nang mabuti ang kanyang trabaho.
Mas mainam umano na ituon ang atensyon sa pagtatrabaho kaysa ang survey.
Inihalimbawa pa ni Arroyo na nang sya ay dating pangulo ng bansa ay nakakatanggap din sya ng mababang performance rating subalit hindi ito nakakahadlang sa kanyang pagtatrabaho.
Sa naturang survey ay nakakuha si Arroyo ng 27 percent approval rating na pinakamababa sa apat na pinakamataas na opisyal ng bansa habang 21 percent naman ang nakuha niyang trust ratings.
Ang House of Representatives ay nakapagtala naman ng 66 at 64 percent na approval at trust ratings.
Ang survery ang syang kauna unahang survey na kasama si Arroyo mula nang maitalaga bilang House Speaker at palitan si Pantaleon Alvarez.
Ang Pulse Asia Survey ay isinagawa noong December 14 hanggang 21, 2018 kung saan si Pangulong Rodrigo Duterte ay nakakuha ng 81% approval rating na mas mataas ng 6% mula sa kanyang September 2018 ratings.
Ang pinakamataas na grado ay nakuha ni Pangulong Duterte sa Mindanao habang ang pinakamababa ay sa National Capital Region.
182